DADDY


Written on January 11, 2009 – 10:42 pm | by catleyabeverlyn

By: Catleya Pagwagan

1

Nais kong ikaw ay pasalamatang tunay…

Sa mga sakripisyo na iyong inialay..

Walang hanggang pasasalamat ang maaring sambitin.

Sa iyong kabutihang puso para sa amin…

2

Di ka sumusuko sa hamon ng buhay.

Bagama’t pagod at hirap , kami ay itinataguyod.

Suporta at kalinga laging sa ami’y ibinibigay..

Taos puso kang magmahal tunay na tunay…

3

Mahal na mahal ka namin, Daddy

Ikaw ang inspirasyon sa aming buhay.

Pangarap ko ay maging iyong karangalan…

At ikaw ay bigyan ngĀ  kasiyahan…



Post a Comment